top of page

HON. SONNY "Bong" C. VILLARBA

PUNONG BARANGAY

Untitled

Barangay Kagawad (2018-2023)
Barangay Kagawad (2013-2018)
Son of Former Kagawad Cesar M. Villarba
Staff of Coun. Atty. Anton Reyes (presently)
Staff of Cong. Allan Benedict S. Reyes (2010-2022)

Si Kap Sonny "Bong" Villarba ang ngayon ay ika-5 na halal, ngunit ika-7 na Punong Barangay na maninilbihan sa Barangay Silangan.

Itong nakaraang kampanya ay dinikit sa kaniyang pangalan ang bansag na "KAPiling" na tumutukoy sa kaniyang katangian na subok sa Serbisyo, "laging nandyan", "laging nakaagapay" na handang tumulong at sumuporta para sa kaniyang mga Kabaranggay, na laging KAPiling anumang oras at saan man na lubos pang napatunayan nitong nagdaang pandemya.

 

"ProgresiBONG Pamumuno, ProgresiBONG Barangay Silangan",

Ito ay ang kaniyang naging mensahe upang ipabatid sa mga mamamayan ng Barangay Silangan na sa pagpapaunlad ng isang maayos, masipag, tunay at tapat na pamumuno ay magreresulta ng isang maunlad na Barangay na sasabay sa makabagong panahon, bukas sa makabagong pamamaraan at tumutugon sa anumang kasarian at uri ng tao para sa katuparan ng nagkakaisang mamamayan patungo sa isang ProgresiBONG Barangay Silangan.

 

Sa sampung (10) taon na karanasan bilang dating Barangay Kagawad ay nais niyang ipagpatuloy at paunlarin pa ang kaniyang mga adbokasiya:

 

1. Pangangalaga sa mga Senior Citizens

2. Pangangalaga sa mga New Born Babies

3. Pagpapalawig ng mga Social Services. tulad ng Medical Assistance, Financial Assistance o AICS, Employment Assistance o TUPAD, Educational Assistance o Scholarship, Livelihood Assistance at iba pang mga tulong na tutugon sa pangangailangan ng mga Kabaranggay.

4. Recreational Activities na magpapayabong sa mga Bata at Kabataan.

5. Pangangalaga at proteksyon sa mga Kababaihan, bata, kabataan at mga PWDs.

​

Ang kaniyang mga hakbangin ay:

1. Pagsasaayos ng mga Organisasyon at Sektor para sa maayos at pantay na pagkakabaha-bahagi ng mga benepisyo para sa bawat miyembro nito, tulong, suporta at pagpapalakas ng mga partisipasyon sa pagpapa-unlad ng Barangay.

2. Pagpapalakas ng mga Pangunahing Serbisyo sa Nutrition, Health & Sanitation, Peace & Order, Ecological & Solid Waste Management, Traffic and Transport Management, Livelihood & Employment Program, Education, Public Works, Barangay & Public Information Services at Sports Services.

3. Paglikha ng mga pamamaraan upang tuloy-tuloy at maayos na nakatutugon sa mga pangangailangan, Emergency at Kalamidad.

4. Paglikha ng mga Platform na magpapalapit ng Serbisyo, komunikasyon at impormasyon sa mga mamamayan ng Barangay Silangan.

5. Maayos at tapat na transaksyon, koleksyon, pamamahala at paggamit ng kaban ng Barangay.

6. Pagmamalasakit, pangangalaga at pagpapalakas ng mga kakayahan ng mga empleyado at mga opisyal ng Barangay.

7. Pagsasaayos at pagmementina ng mga kagamitan, pasilidad ng Barangay at iba pang imprastraktura.

8. Pagsunod at aktibong partisipasyon, kooperasyon at koordinasyon sa mga compliance, circulars, direktiba, rules and regulations ng local at national government/ agencies.

9. Maayos at patas na pagpapatupad ng mga Barangay, Lokal at National Laws, Rules and Regulations.

10. Aktibong pagsususog ng mga Resolution, Ordinansa at Executive Order para sa maayos at kapaki-pakinabang na Serbisyo at Pamamahala ng Barangay.

​

 

 

BARANGAY SILANGAN, DISTRICT III, QUEZON CITY

Subscribe Form

Thanks for submitting!

7738-7050 / 0965-540-8489

#193 Ermin Garcia Street corner Kalayaan Extension, Brgy. Silangan, Cubao, District 3, Quezon City

  • Facebook

©2023 by Barangay Silangan Cubao. Proudly created with Wix.com and Barangay Public Information Officer F/Kgd. JOMER SOTTO

bottom of page